Full width home advertisement

Travel the world

Climb the mountains

Post Page Advertisement [Top]


Naging roller coaster ride ang pagsubaybay natin sa Rhodora XAng lahat ay kinilig, nainis at nangamba sa mga nakapupukaw na eksena. Gaya ninyo, marami ring mami-miss ang cast members sa nalalapit na pagtatapos ng ating paboritong dramaserye. Narito ang ilan lang sa mga bagay na iyon:
 
Jennylyn Mercado
“Si Rowena, si Rhodora, si Roxanne at siyempre, ang mga co-actors ko. Kahit gaano kahirap ang pinapagawa sa'yo basta magawa mo nang tama at malatag mo nang tama ang bawat character, malaking fulfillment na ‘yun. Nakakatuwang isipin na ang mga tao, affected sila sa bawat character na ginagamapan ko. For me, 'yun na 'yung sukli sa lahat ng mga pinagdaanan ko.”
 
Mark Herras
”Lahat. 'Yun na 'yun, lahat. One word, lahat. Mga kulitan namin, kainan.”
 
Yasmien Kurdi
”Mami-miss ko ang bonding namin together, 'yung cast, 'yung staff kasi I’ve been with this group dalawang soap opera na so I will miss them talaga. Mami-miss ko ang co-stars kong sina Jen and Mark. Mami-miss ko ang ganitong klaseng soap opera concept na psych-drama.”
 
Gardo Versoza
”Siguro 'yung sa pag-tackle sa sakit na Dissociative Identity Disorder kasi first time na 'yung storya tungkol sa isang may sakit. Sa mga medical terms at saka kung paano i-handle ‘yung ganoong tao na may sakit. Iyon siguro ang isang aspeto na mami-miss ko sa teleserye. Pati na ang pag-a-adlib.”
 
Frank Magalona
”Castmates. Sila Mark, Sir Gardo, everyone pero honestly tahimik lang talaga ako kapag andito ako kaya hindi kami masyado nakakapagkwentuhan. I’m going to miss working with them and sana makasama ko sila sa ibang projects kasi okay sila ka-trabaho. “
 
Panahon na para ipaalam sa amin ang mga mami-miss ninyo sa Rhodora X. Just put it in the comments bpx below.
 
Matatalo ba ni Rhodora si Roxanne? Magkakapatawaran ba ang magkapatid? Tatanggapin ba ni Jenna si Rhodora bilang tunay na ina niya? Magtatagumpay ba si Nico sa lahat ng masamang balak niya? Alamin ang kasagutan sa #RhodoraXATwistedEnding ngayong Biyernes.
 
Facebook | www.facebook.com/RhodoraXGMA7
Twitter  | www.twitter.com/RhodoraXGMA7
 

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib