Full width home advertisement

Travel the world

Climb the mountains

Post Page Advertisement [Top]



Maituturing na isang institusyon na sa mundo ng showbiz ang batikang aktres na si Ms. Nova Villa dahil sa kanyang galing sa pag-arte, mapa-drama man ito o comedy. Pero sa tagal niya sa industriyang ito ay ngayon pa lamang siya sasabak sa pagiging bida ng isang independent film. She will be part of the movie 1st Ko Si 3rd, one of the official entries for the New Breed category of this year's Cinemalaya Philippine Independent Film Festival.

Written and directed by Real Florido, 1st Ko Si 3rd is a love story about a 65-year old woman, played by Ms. Nova, who is reunited with her first love named Third after four decades of being separated.

According kay Ms. Nova, this is the 10th indie film that was offered to her but the first one she accepted. "Hindi kasi ako masyadong naniniwala sa indie, because in six days, mabubuo mo ang isang pelikula? Ibig sabihin nun, para ka lang nagte-taping. Hindi 'yung talagang movie na kung minsan tatlong buwan mong sinu-shoot na madetalye. Sa indie, parang ang iksi. Puwede mo namang tapusin, totoo, pero of course hindi na masyadong madetalye. At saka 'yung quality. Ang liit nung camera nila."

Even with her doubts, curiosity got the best of her so she gave it a chance. "May mga indie din na international, napanood ko na rin ang mga ganun. Ibang iba sa totoong movie. Ngayon, sabi ko, 'Sige nga.' Sina Vilma Santos, Maricel Soriano nag-indie, tapos wala pang kita, pang-gasolina lang ibibigay sa 'yo. Ano'ng mayroon dito? Halos lahat nag-iindie."

Isa pang dahilan kung bakit tinanggap ito ni Ms. Nova ay dahil siya lamang daw ang artistang napupusuan ng direktor para sa role. "Nung lapitan ako ni Direk Real, kinuwento 'yung buong story. Sabi niya, 'You know Tita Nova, two years na ito pero hindi ko pa ginagawa kasi ikaw ang nasa isip ko. Ikaw talaga ito.'"

Kuwento pa nga daw sa kanya ni Direk Real, nakipagpulong na daw ito sa board ng Cinemalaya at sinabi na niyang si Ms. Nova ang kukunin niyang female lead. "Kinuwento niya sa panel ang story, tapos tinanong siya 'Who is your actor?' Pinipili din pala 'yun. Nung sinabi niyang Nova Villa, approved!"

Ngayon pa nga lang daw ay sinasabihan na siya ng production team na mananalo siya ng award. Nginingitian lamang daw sila ni Ms. Nova. "Basta I'll give my best. Kung ano 'yung package na 'yun, I'll do my best. Ewan ko kung saan nila nakuha 'yun. Ngumingiti lang ako kasi wala pa naman akong pinapakita although hanggang umaga na 'yung na-shoot ko. I did my best sa araw na 'yun, and they we're all satisfied and happy naman."

Ms. Nova Villa appears in Kambal Sirena, weeknights after 24 Oras, and in Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento, Sunday nights after Kap's Amazing Stories. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Elisa Aquino, GMANetwork.com

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib