
Patuloy pa rin ang pakikipagsundo ni Delia kay Alejandra kapalit ng kayamanan nito. Sunud-sunuran siya rito. Si Delia ang tumutulong para masakatuparan ang masasamang balak ni Alejandra laban kay Esperanza. Hanggang saan ang kayang gawin ni Delia para sundan ang mga nais ni Alejandra?

Nabawi ni Alejandra si Edwin kay Esperanza. Nangakong titigilan nito si Esperanza oras na magpakasal si Edwin sa kanya. Tuluyan niya na bang maaangkin ang puso ni Edwin?
Nasaktan si Dencio sa kinilos ni Esperanza dahil mukhang may pagtingin pa ito sa dating kasintahan. Napag-awayan nila ang tungkol dito. Nasaktan din si Esperanza sa naging reaksyon ni Dencio sa pagtulong niya kay Edwin. Pakiramdam ni Esperanza na walang tiwala si Dencio sa nararamdaman niya para rito.

Masayang-masaya si Alejandra sa araw ng kanyang kasal. Sa wakas, mapapasakanya na ang kanyang pinakamamahal na si Arnaldo (Edwin). Ngunit hindi niya alam na hahadlangan ni Esperanza ang kanyang kasal.
Ano ang gagawin niya oras na malamang hindi matutuloy ang kanyang kasal kay Arnaldo? Ano ang kanyang gagawin kay Esperanza kapag malaman nitong pipigilan ang kanyang kasal?
Huwag bibitiw sa paganda ng pagandang eksena ngayong linggo sa Innamorata pagkatapos ng The Half Sisters on GMA Afternoon Prime.