Napanood ninyo ang cute at napaka-bibong Kapuso child actor na si David Remo last year sa Binoy Henyo. Ngayong taon, muli na naman nating makikita ang napaka-kulit at lovable na child wonder sa Niño.
Sa edad ni David na 7 years old, mamangha kayo kapag nakausap niyo siya dahil parang matanda na siyang mag-isip at napaka-professional niya bilang isang batang aktor. Bukod sa galing sa pag-arte, marunong na rin siyang makisalamuha sa mga taong nakapaligid sa kanya. In short, hindi siya mahiyain.
Sa katunayan nga ay halos lahat ng reporters na dumalo sa press conference ng Niño noong nakaraang buwan ay binati niya at nginitian. Tanging ang pagiging makulit lamang ang hindi maitatago ni David sa mga tao na normal naman sa isang batang tulad niya.
‘Di tulad ng ibang child stars na kanilang mommies ang kasama sa showbiz gatherings, ibahin ninyo si David dahil ang kanyang ama mismo ang sumasama sa kanya. Batikang direktor na ang ama ni David na si Don Remo at maraming pelikula at commercials na siyang nagawa. Siya nga ang dahilan kung bakit nahasa si David sa pag-arte.
Sa isang interview ng PEP kay David, binaggit ng child star na gusto niyang maging hero balang-araw. (Read PEP’s article here.)
Dahil sa Niño, matutupad na ang hinihiling ni David na maging hero. Ang kanyang character kasi na si Tukayo ang magiging tagapagligtas ni Niño, ang role na ginagampanan ni Miguel Tanfelix.
Sa istorya, isang trahedya ang darating sa Barangay Pag-asa. Masusunog ang simbahan at hindi makakalabas si Niño dahil mapapalibutan siya ng malalaking apoy. Dahil may pagka-misteryoso si Tukayo, magagawa niyang mailigtas mula sa panganib si Niño.
Abangan kung paano ililigtas ni Tukayo si Niño sa nasusunog na simbahan mamayang gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.