Full width home advertisement

Travel the world

Climb the mountains

Post Page Advertisement [Top]

Ibang Marian Rivera ang matutunghayan sa kanyang bagong dance show na “Marian”. Bukod sa pagsasayaw, sasabak din siya sa pag-iinterview ng kanyang guests. Sinong special guest kaya ang pinakahihintay niya?

Noong press conference ng “Marian” noong June 10, nabanggit ni Marian na kakaibang experience ito para sa kanya.
Aniya, “Bukod sa siyempre sasayaw ako, may mga special guest ako at siyempre nandiyan sina Julie Anne at Paolo. May interview din ako sa mga mag gue-guest dito. First time kong mag-iinterview so bahala na.”

Guests ni Marian sa kanyang pilot episode ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Ayon kay Marian, “'Yung first guests ko kasi ay malapit sa puso ko kaya hindi ako nakaramdam ng kaba. Hindi ako na-tense pero sinisigurado ko na meron din akong alam sa mga iinterviewhin ko. Ayoko naman ng on the spot na kung ano lang ang ibinigay sa akin ng writer, ‘yun lang ang itatanong ko.”

Bilang aktres, kilalang perfectionist si Marian. Ganoon din siya pagdating sa dance floor. Paano siya naghahanda para sa kanyang dance performances?

 Sagot ni Marian, “Siyempre po kahit papaano ay gusto kong perfect siya, pero may mga pagkakataong minsan nakakalimutan mo ‘yung steps o kaya parang kinabahan ka, pero sinisigurado ko na hindi po ako uuwi ng bahay na hindi ko po alam ang mga sasayawin ko. Hindi rin po ako makakatulog nang maayos kung alam kong may kailangan pa akong aralin.”

 Nabanggit din niya na mag gue-guest sa show ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes. At ang gusto daw niyang isayaw nila ay dirty dance. Bakit kaya?

 “Kung hindi ako nagkakamali, noong Marimar, first time naming ginawa iyon, so ibabalik ko ulit ‘yang mga panahon ng Marimar,” sagot ng aktres.

Magsisimula sa June 21 ang Marian pagkatapos ng Vampire Ang Daddy Ko.

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib