Full width home advertisement

Travel the world

Climb the mountains

Post Page Advertisement [Top]

By MICHELLE CALIGAN
?We've seen her blossom from a tween star to a young leading lady, but Barbie Forteza is still very much a kid at heart. The young actress has a sister who is seven years her senior, and she admits that the age gap does not affect their closeness.
"Parehas na parehas kami ng kapatid ko kahit seven years 'yung gap namin. Parehas lang kami mag-isip. Minsan mas seryoso pa ako mag-isip kaysa kanya. Hindi ko nga alam kung paano siya nakarating ng Chicago (laughs)," she shares.
Hindi daw uso sa kanilang magkapatid ang dull moments dahil binabawi nila agad ang mga ito sa tawanan. "Sobrang kuwela lang naming magkapatid. As in, walang dull moment at walang seryosong moment. Kumbaga, maidadaan namin agad sa biro, ganyan."
Her sister will be back in the Philippines this month, at balak ng pamilya niya na mag-out of town. Isa daw kasi ito sa mga paraan ng pag-bonding nila. "Mahilig kaming manood ng sine, and bukod doon, araw-araw ko silang kasama. Kahit sa bahay, sa taping, kahit saan. Si Ate, lagi naman kaming nag-Facetime para nag-uusap pa rin kami kahit nasa ibang bansa na siya."
As for their parents, Barbie says they are not as strict as expected. "Sa pamilya namin - nanay, tatay, kapatid ko - wala talagang seryoso sa amin, especially 'yung tatay ko. To think na kapag tatay, usually strict. Hindi talaga, as in hindi talaga! Ang ingay-ingay lang ng tatay ko palagi."
Kahit ganito daw ang kanyang mga magulang ay hindi ibig sabihin na hindi na siya nadidisiplina.
"Naiintindihan ko naman 'yung intention ng parents ko sa kung ano ang gusto nilang ipagawa sa akin. 'Yun nga lang minsan, siyempre, hindi ko feel. Eh since sinabi nila, kailangan kong gawin. Ambait ko 'no?" sagot niya sabay tawa.
Want to know more about Barbie? Watch out for the first part of her 'Barbie in Bloom' video Q&A, soon on GMANetwork.com.

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib