Full width home advertisement

Travel the world

Climb the mountains

Post Page Advertisement [Top]

Carmi Martin is a sight to behold.At kahit matagal na siya sa mundo ng showbiz, wala pa din kupas ang kagandahan at ka-sexiness ng aktres. Sa pagbabalik comedy nito sa Ismol Family na mapapanood na this June 22, gagampanan nito si Mama A ang ‘cougar mother-in-law’ ni Jingo Ismol (Ryan Agoncillo) at nanay ni Majay Ismol (Carla Abellana).

Sa panayam ng GMANetwork.com sa veteran actress, ikinuwento nito na handang-handa daw siya sa first taping day ng Ismol Family. Bukod pa diyan, matagal na din daw niyang hinintay na may mag-offer sa kanya ng ganitong project.

 “Siyempre handa. I'm excited for the role kasi comedy siya [at] matagal na rin ako hindi nag-sitcom. The last time was I think 20 years ago, so nakakatuwa kasi pag sitcom very light.”

 “And siyempre nakakatuwa I'll be working with Direk Dom (Dominic Zapata) and first time ko with Ryan and Carla. So, alam mo it’s nice to work sa GMA kasi very casual, fun, ganun eh, parang pag nagkasabaysabay lalong mas nakakatuwa.”

Ayon kay Ms. Carmi gustong-gusto daw niya ang role niya bilang  ang forever na irresistible na si Mama A at confident daw ito na magagampanan niya ito ng mahusay.

“Parang its one role I really am waiting for na ma-offer sa akin. Kasi parang ang tagal ko na kasing comedian ganyan and then parang feeling ko talaga I am very comfortable gawin 'yung role na ‘to”

Bago pa man nagtapos ang aming interview, nagbigay din ng advice si Ms. Carmi sa mga gustong maging magaling na comedian.

“Ano yan eh, minsan kasi yung comedy mahirap pag-aralan 'yung timing. Try to observe most especially dun sa mga kasama mo. At saka aralin mo ng aralin ng aralin yung dialogue mo bago ka dumating dun [sa set] kasi para kung ano 'yung itatapon sa ‘yo na timing hindi ka nininerbyos pa dun sa dialogue mo, di ba? Watch situational shows at kung paano nila tinatapon 'yung linya.”

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib