Full width home advertisement

Travel the world

Climb the mountains

Post Page Advertisement [Top]


Ayon sa legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga, hindi na sila magugulat kung sakaling may iba pang lumabas na babaeng maghahain ng reklamong rape laban sa aktor.
“Oh, yes, we are expecting it," sabi ng abugado sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.
Nakausap ng press si Atty. Mallonga bago magsimula ang preliminary investigation sa mga reklamong inihain ni Vhong laban sa grupo nina Deniece Cornejo at Cedric Lee, kaninang hapon, February 21, sa Department of Justice (DOJ).
Patuloy niya, “Naalala niyo, sinabi na ni Mr. Lee noon na meron siyang mga kausap na ilang babae, na merong sinabi ang abugado niya na meron daw silang pasabog.
"Unfortunately for them, itong pasabog ho nila, hindi konektado sa kaso na ito at huwag na natin pagdikitin.
“If this is the intention to delay the proceedings, I am so sorry, hindi ito mangyayari.”
Hindi ba makakaapekto sa kasalukuyang kaso ni Vhong ang pagsulpot ng bagong reklamo laban dito?
Sagot ni Atty. Mallonga, “Ay, hindi.
“Siguro ang expectation lang, ang iniisip nila, medyo fickle ang public na matagal ang proseso, and they are taking advantage of that.
"And one of these days, tayo lahat ay magkalimutan, at medyo maniniwala na tayo na somehow may katotohanan.
“Pero palagay ko, sobrang lakas ng ebidensiya yung kay Denice, na walang rape.
"Palagay ko, kahit na gaano katagal, kahit na sampung taon, kahit na twenty years, hindi tayo malilinlang dun sa katotohanang wala hong nangyari.”
Sa tingin ba nila ay pakawala ng kampo ni Cedric si Roxanne Acosta Cabanero?
Balik-tanong ni Atty. Mallonga, “Anong tingin mo? Anong tingin niyo?
"I mean, yung timing, I don’t know."

Sa exclusive interview ng PEP kay Cedric kahapon, February 20, mariin nitong pinabulaanan na kakilala niya si Roxanne.


VHONG KNOWS ROXANNE ACOSTA. Nakausap na ba ni Atty. Mallonga tungkol kay Roxanne? Kakilala ba ito ng aktor?
Saad ng abugado, “Okay, the first time that I answer this...
“Ang talagang sinabi, ang totoo naman, pinag-usapan lang namin ni Vhong yung hindi namin pagkagulat.
"Now, additional reports have been made confirming, and the lawyer himself I think identified the name.
"So I can confirm that, yes, Vhong knows her."
Ngunit dagdag ni Atty. Mallonga, “But walang nangyayaring sinasabi niyang panghahalay.
"And remember, mga kaibigan, this was four years ago.
“And I think, even without… wala kami sinasabi, may mga lumalabas na mga nagba-blog, mga YouTube videos to show it couldn’t have happened on the date that she said.
“Yun lang ang rinig namin, ha.
“Ganito, pag dumating yung kaso, yung complaint, pag-aaralan namin.
"In the meantime, hindi kami magkokomento dun sa merito, except yung sinabi ko na as far as Vhong is concerned, wala siyang ginagawa.
“Wala siyang ginagawa.
"Wala siyang ginawa kay Deniece, wala siyang ginawa dito."
Naikuwento ba ni Vhong sa kanya kung paano nito nakilala si Roxanne?

Sagot ni Atty. Mallonga, “Ay, I wouldn’t ano... we haven’t gone yung details na ganun.
“At the appropriate time, pag makita na namin yung complaint mismo, then we will be feel free [to talk].
“Kasi right now, parang sabi-sabi lang yung basehan natin, e, kaya I’m very, very careful.
“Susundin natin ang proseso, okay, hindi namin tatakasan ang proseso.
"The process has helped us. And we will follow the process.”
Sa ngayon daw, ang gusto lang nila ay umusad na ang proseso ng batas.
"What we do not want is further delay. We don’t want further delay, yun lang."
Umaasa rin daw silang matapos na ang preliminary investigation at maiakyat na sa Regional Trial Court ang kaso.
Asam ni Atty. Mallonga, “Sana maghihintay na lang tayo, sana.
“But as I said, hindi ako ang Department of Justice.
"I can only say na ito ang tingin namin sa ebidensiya. Paniniwala namin, malakas.
"In the end, the DOJ will decide, and hindi kami puwede magdikta doon sa timeline naman ng DOJ.”
Article from: Pep.Ph

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib