Itinanggi ng negosyanteng si Cedric Lee na kilala niya si Roxanne Acosta, ang beauty-pageant contestant na naghain ng panibagong rape complaint laban sa aktor na si Vhong Navarro.
Sa panayam ng Aquino and Abunda Tonight kagabi, February 19, sinabi ni Atty. Alma Mallonga, ang abugado ni Vhong, na naniniwala silang may kinalaman si Cedric sa paglantad ni Roxanne.
Aniya, "Some weeks ago, Cedric has already been saying that he's been talking to some women, and I understand that his lawyer also said na mayroon silang pasabog."
Sa pamamagitan ng text message na ipinadala ni Cedric sa managing editor ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Karen Pagsolingan ngayong hapon, February 20, itinanggi ng negosyante na may kaugnayan siya kay Roxanne.
Pero dahil lumabas na sa balita ang pagiging biktima diumano ni Roxanne ni Vhong, hihilingin daw ni Cedric sa kanyang mga abugado na makipag-ugnayan sa mga abugado ni Roxanne.
Saad ni Cedric: "I don't know Roxanne.
"But since we found out now thru the news that she's also a victim of that rapist Vhong, then we'll ask our lawyers to try to get to know their lawyers, so maybe we can work together and support each other.
"There's nothing wrong with that. The enemy of my enemy is my friend."
Nang tanungin siya, sa pamamagitan ng text, tungkol sa nauna niyang pahayag na may mga kilala pa siyang mga biktima umano ng panggagahasa ni Vhong, sabi ni Cedric, "I only heard about it.
"We're not sure if some more will be brave enough to come out."
Binanggit din ni Cedric ang pangalan ng video jock na si Kat Alano.
Aniya, "We hope Kat Alano would also come out. She tweeted that she was also raped by Vhong."
Bagamat totoong nag-tweet si Kat tungkol sa rape noong January 27, wala itong binanggit na pangalan kung sino ang tinutukoy niya.
Sa isa naman tweet ni Kat noong January 30 ay nilinaw niyang personal lamang niyang opinyon ang pagtu-tweet tungkol sa rape.
Aniya, "To set the record straight,my comments on rape are my personal opinion,please do not speculate or take my tweets out of context. Thank you."
Pinabulaanan din ni Cedric ang pahayag ng abugado ni Vhong na si Atty. Mallonga na ang paghahain ng reklamong rape ni Roxanne laban sa aktor ay "pasabog" ng kampo ng negosyante.
Ani Cedric, "What pasabog? Never mentioned any pasabog.
"It's common knowledge that he's a rapist. He just hit his tipping point."
Bilang panghuli ay nag-iwan pa ng quote si Cedric mula kay Edmund Burke: "All it takes for evil to succeed is for good men to do nothing."
Dagdag pa niya, "You can never put a good man down."
Si Cedric ang isa sa mga kalalakihang nanggulpi kay Vhong noong gabi ng January 22, dahil diumano sa tangkang panghahalay ng aktor sa kaibigan ni Cedric na si Deniece Cornejo.
Dahil sa insidente ay naghain naman si Vhong ng mga reklamong serious illegal detention case, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail laban sa grupo nina Cedric at Deniece.
Si Deniece naman ay naghain ng reklamong rape laban kay Vhong.
Article from: Pep.ph
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento