Full width home advertisement

Travel the world

Climb the mountains

Post Page Advertisement [Top]


Sa 'Unang Hirit' at 'Balitanghali' ipinakita ang naging triple celebration ng Gutierrez family. Nariyan ang post-birthday celebration at baptism ni Baby Zion, at ang celebration ni Richard Gutierrez ng kanyang kauna-unahang Father's Day.

"Ito na 'yung pinaka-gift for him, to see Zion happy. Gift para sa kanya is 'yung finally na-meet na ni Zion lahat ng friends namin, lahat ng close friends. Happy Father's Day, mahal", ang madamdaming mensahe ni Sarah kay Richard.

Hindi rin siya makapaniwala sa bilis ng paglaki ni Baby Zion. Aniya, "kahapon lang ang liit pa niya, ngayon tumatakbo na, with my help of course. So, ang bilis ng panahon".

Nagpahayag rin ng pasasalamat si Sarah dahil tinanggap ng mga ninong at ninang ni Baby Zion ang responsibilidad na maging pangalawang magulang ng kanilang anak.

"Super grateful to all the ninongs and ninangs for accepting na maging ninong and ninang sila ni Baby Zion. Para protektahan ang baby namin and just for being there for baby Zion. So were very thankful to them," saad ni Sarah.

Nagbigay naman ng mensahe ang proud daddy sa kanyang anak ngayong nabinyagan na siya at nakapag-celebrate na ng kanyang first birthday. "Ang wish ko kay Baby Zion is for him to be happy and a good kid. Always have faith kay Lord and huwag niyang kalimutan na nandito lang kami ni Sarah beside him."

'Di naman papahuli ang lola ni Baby Zion na si Annabelle Rama sa pagbibigay ng mensahe sa kanyang apo. Aniya, "ang wish ko kay Baby Zion, good health at maging mabait siya sa tatay at nanay niya. Mabait na bata, sana paglaki mo maging katulad ka ng tatay mo, si Richard na mahilig sa sports".

Kasama sa mga ninong and ninang ni Baby Zion sina Governor Vilma Santos, Vice President Jejomar Binay, Susan Roces, TJ Trinidad, Lucy Torres-Gomez, at iba pang mga kaibigan at personalidad.

Bottom Ad [Post Page]

| Designed by Colorlib