Wala raw makakapantay kay Esperanza.
Ito ang sinabi ni Innamorata star Max Collins matapos siyang tanungin ng press kung may gusto pa ba siyang role na gustong gawin after playing "Esperanza."
Sagot ng Kapuso actress, “Actually matagal ko na iniisip yun eh, but parang sabi ko if this is the best character ever, like I could not ask for a better one, so parang kailangan either Book 2 or kailangan tapatan yun eh.”
“Iniisip ko yung mga gusto ko na ma-portray na roles. It's nothing compared sa role na ‘to eh,” aniya.
Sa pagtatapos ng Innamorata sa darating na Biyernes sinariwa ng Kapuso actress ang mga challenges na hinarap niya taking on the role of "Esperanza."
“Ever since before I started, people were saying na hindi mo kaya gawin 'yan, kasi masyado kang mestiza or you know parang may problema sa tagalog ko. There is always something wrong.”
Pero sa halip na panghinaan ng loob buong tapang na hinarap ito ni Max. Binabasa rin ng dalaga ang lahat ng negative comments sa social media, dahil para sa kanya magagamit niya ito para paghusayan pa ang kanyang talento.
“I do. I read it. Kasi dati sabi ko ayaw ko magbasa kasi masakit. But kailangan para alam mo kung ano yung aayusin or ano ayaw ng tao ganyan. But, surprisingly wala, wala akong natanggap.”
Sa tanong na inasahan ba niya na magiging successful ang kanyang afternoon soap, sagot nito “Sorry no, pinagdasal ko lang. Sabi ko Lord sana pumasa lang. I really prayed na sana ma-portray ko siya ng tama or maayos, sana magustuhan ng tao.”
“I was just hoping na acceptable na matatanggap ng tao. Hindi ko inexpect na magugustuhan talaga nila or you know tataas yung ratings,” dagdag nito.